Jake todo-tanggol kay Sandro: Magpakatotoo ka lang bro!

JAKE EJERCITO AT SANDRO MARCOS

JAKE EJERCITO AT SANDRO MARCOS

IPINAGTAGGOL ni Jake Ejercito ang anak ni Sen. Bongbong Marcos na si Sandro laban sa mga bashers nito sa social media.

Naging nega ang imahe ni Sandro mula nang mag-post siya ng kanyang saloobin noong kasagsagan ng bilangan at paglalaban ng kanyang ama at ni Leni Robredo sa pagka-bise presidente gamit pa ang hashtag na #DayaangMatuwid.

Bukod pa rito ang pagkakamaling nagawa niya noong mismong halalan dahil sa pagboto niya sa dalawang presidential candidates.

Sa pamamagitan ng kanyang social media accounts, pinuri ni Jake si Sandro at sinabing matagal na niyang kilala ang anak ni Bongbong, at mapapatunayan daw niya na isa itong mabuting tao.

Isang picture ang ipinost ng anak ni Mayor Joseph Estrada sa kanyang Instagram kung saan magkasama sila ni Sandro. Nilagyan niya ito ng caption na, “Known this guy long enough to say he’s way better than what social media depicts him to be. Keep it real, homie!”

Nag-post din si Sandro ng kaparehong litrato na may caption na: “London, Tomorrowland and now Manila. Always good seeing you bro!!!”

Read more...