Anne, Erwan magbabakasyon sa Europe para planuhin ang kasal

ANNE CURTIS AT ERWAN HEUSSAFF

ANNE CURTIS AT ERWAN HEUSSAFF

WALA ngayon sa It’s Showtime si Anne Curtis dahil sa long planned vacay nila sa Europe.

Ten days ang hininging bakasyon ni Anne kasama ang BF niyang si Erwan Heussaff na nag-book ng kanilang bakasyon sa France, Slovenia, Germany at iba pang magagandang lugar sa Europa.

Mukha ngang enjoy na enjoy si Anne sa dyowa niya at baka nga pagbalik nila sa Pinas ay may big announcement na silang gawin na may konek sa kasalan.

Sa pagbabalik ni Anne, mapagbigyan kaya niya ang wish ng mahal nating si Isko Moreno na hindi pinalad na manalo sa senatorial race last elections na makatambal siya sa movie o TV project?

Crush na crush pala ni Isko ang magandang actres-TV host at bilib na bilib daw ito sa pagiging kikay at mahusay nitong ate sa kapatid.

Read more...