Dawn apektado sa titig ni Piolo: Sobrang nakakatunaw!

DAWN ZULUETA AT PIOLO PASCUAL

DAWN ZULUETA AT PIOLO PASCUAL

“YES, patola din kami kung kinakailangan!” Ito ang sagot nina Dawn Zulueta at papa Piolo Pascual sa tanong kung pumapatol din ba sila sa mga bashers/hatres sa social media.

Usong-uso kasi ngayon ang mga celebrities na nabibiktima at nagsasampa ng reklamo sa mga bashers nila.

“Kapag alam mo naman talagang sobra na o grabe nang namemersonal, du’n sasagot talaga ako,” sey ng napakaganda pa ring si Dawn.

“Yes, minsan nagkataon na ring hindi ko na napigilan. Pero ngayon, hindi kasi ako active kaya wala lang, dedma na. At the end of the day, yung pagiging responsible and pagiging makatao pa rin ang dapat na mag-prevail,” paliwanag ni papa Piolo.

First time na magkakasama sa isang movie sina Dawn at Piolo, sa “Love Me Tomorrow”.

Aminado si Dawn na siya ang mas na-tense o mas kinilig kay Piolo habang ginagawa nila ang movie, lalo na raw kapag tumitingin na ito sa mga mata niya.

“Sino ba naman ang hindi matutunaw. At least naiba naman, di ba?” sey pa nito sa mas bata niyang ka-loveteam.

Sagot naman ni Papa P, “I’m always honored. Dawn Zulueta kaya iyan kaya nga nu’ng mag-usap kami minsan na dapat magkaroon kami ng movie project, ako talaga yung nangulit. Good thing, hindi mahirap kausap ang asawa niya.”

Hindi raw May-December affair ang peg ng “Love Me Tomorrow” dahil sa totoong buhay naman ay halos less than 10 years lang naman ang pagitan ng edad nila, “Pero sa movie, ginawa talaga akong cougar. May eksena nga du’n na tinawag akong nanay ni Piolo,” ang natatawang tsika ni Dawn.
Ngayong May 25 na ang showing ng movie directed by Gino Santos at kasama rin dito si Coleen Garcia.

Read more...