Hirit ni Goma ngayong mayor na: Hindi naman siguro lahat ng artista bobo!!!

RICHARD GOMEZ

RICHARD GOMEZ

MALAKAS ang dating ng pahayag ni Richard Gomez na “Hindi naman siguro lahat ng artista bobo, hindi naman siguro lahat ng artista (ay) puro pag-aartista lang ang alam. Marami kasing times na dapat bigyan nila ng pagkakataon ‘yung mga artista.”

He said this after he won as mayor in the recent election. That statement disappointed some fans as it came as mayabang.

“Okay, sige tingnan ko muna performance mo bilang mayor saka ako mag comment.”

“Hindi talaga tumigil hanggang finally nanalo. Sana magpakumbaba ka na Ritsard. Pag naalala ko barkada nitong si Joey Marquez, John Estrada, may kakayahan kaya ito o puro hangin lang?”

“Actually di nyo masisisi taong bayan lalo pa ngayong mas matatalino na ang mga botante. Kayo din gumawa ng impression na ang mga artista eh walang alam sa pulitika.”

Pero hindi naman lahat ay nayabangan sa kanyang dayalog na ‘yon. Some congratulated him.

“Go mayor Goma. Deserve mo yan. Sana magamit mo jan ang bachelor at master degree mo. Best in thesis! Good luck,” said one fan.

Read more...