Jovit naka-jackpot sa bagong girlfriend | Bandera

Jovit naka-jackpot sa bagong girlfriend

Ervin Santiago - May 20, 2016 - 03:00 AM

JOVIT BALDIVINO AT SHARA CHAVEZ

JOVIT BALDIVINO AT SHARA CHAVEZ

MARAMING inggit na inggit ngayon sa Kapamilya singer na si Jovit Baldivino. E, bakit nga hindi, bumandera lang naman kung gaano kaganda ang girlfriend nito ngayon.

In fairness, ang cute pala ng love story nina Jovit at Shara Chavez. Super fan pala ng singer ang girl kahit noong nagsisimula pa lang si Jovit sa showbiz pagkatapos manalo sa unang season ng Pilipinas Got Talent.

Sa kanyang Facebook account, inilahad ni Shara kung gaano niya kamahal si Jovit at kung paano nag-start ang kuwento ng kanilang pag-iibigan.

“Way back when I’m just an avid fan of yours –actually 2010 pa talaga nagsimula, dugyot days pa nga natin parehas– ay crush na kita. Nagtataka sila pero dedma. Basta ikaw ang gusto ko,” unang pahayag ng dalaga.

Dagdag pa ni Shara, talagang nagpa-enroll pa siya noon sa isang unibersidad kung saan nabalitaan niyang mag-aaral si Jovit ngunit hindi natuloy ang singer kaya medyo na-depress siya, aniya “Umasa lang ako!”

Makalipas ang tatlong taon, muling nagkrus ang kanilang landas sa isang event kung saan nabigyan siya ng chance na makapagpa-picture kay Jovit, that time raw ay pareho silang may dyowa kaya hindi na niya kinarir ang makipagkilala.

Noong 2015, muli silang nagkita – judge si Shara sa isang amateur singing contest habang guest performer naman si Jovit. Nag-duet pa raw sila (I Don’t Want to Miss A Thing) bago matapos ang programa.

“Nag-selfie pa tayong dalawa right after. Sorry, sobrang saya ko nanaman. After noong show, nakita ko iyong secretary mo. Tinatawag niya ako at sabi niya ay hinahanap mo daw ako at hintayin daw kita,” pag-alala pa ng dalaga.

Pero hindi raw siya naniwala sa secretary ni Jovit kaya umalis agad siya na talagang pinagsisihan daw niya noon. Pero mukhang itinadhana talaga ang dalawa dahil after a month, nagkrus muli ang kanilang landas – sa birthday party daw ng boss niya. Dito na siya naglakas-loob na lapitan si Jovit at nagtanong kung okay lang na i-add siya ng binata sa Facebook at Instagram na ginawa naman ng binatang singer.

Dito na nagsimula ang pagiging close nila, ani Shara, “Kinakantahan mo pa ako. Ang tagal tagal din natin noon magkausap. Init na init iyong tenga ko at (low battery) na iyong cellphone ko pero ewan, nakikinig lang ako sa iyo.”

Ngayon, magna-nine months na silang magkarelasyon, “Sobrang dami na natin napagdaanan. Away bati man, tipong maghihiwalay na lagi pero hindi lumalagpas sa dalawang araw, okay na ulit.

“Kahit ako iyong may kasalanan, ikaw iyong magpapakumbaba, at pag ikaw ang may kasalanan ay walang sawa kang manunuyo sa akin. Kumbaga may fear pero mas nangibabaw pa din iyong love.

“Sobrang kontento na ako sa iyo. Hindi ko na kailangan maghanap pa ng iba kasi ibinigay mo na ang lahat ng oras, pag-unawa at pagmamahal sa akin despite being a celebrity. Hindi ka na nga nag-Manila simula nang naging tayo kahit may show ka kinabukasan, nagagawa mong mag-uwian. Hanga ako sa iyo. Ang tatag mo!

“Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita simula noon pa. Ooops sa post kong ito wag lalaki ang ulo ha. Tangos na tangos kananaman sa ilong mo niyan! Joke lang. I love you, Babbah. My forever idol, my forever love,” ang mensahe pa ng dalaga kay Jovit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

O, sige nga, sino ang hindi mainggit kay Jovit na hunk na hunk sa paningin ni Shara!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending