Claudine may misteryosong sakit kaya laging isinusugod sa ospital

CLAUDINE BARRETTO

CLAUDINE BARRETTO

CLAUDINE BARRETTO

MADALAS maospital si Claudine Barretto. Siya mismo ang nagpo-post ng kanyang pagkakasakit sa social media accounts niya. Pero wala naman siyang idinedetalye kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakaospital.

Basta kinukunan lang niya ng picture ang hospital ID niya, ‘yung parang medical bracelet na inilalagay bilang pagkakakilanlan sa pasyente, palaging ganu’n ang ipino-post ni Claudine.

Walang malinaw na dahilan kung bakit siya palaging naoospital, basta nandu’n lang siya, kahit hindi niya sinasabi ang detalye ng kanyang sakit.

Sabi ng isang nakausap naming nakatrabaho ng aktres, “Ewan kung ano ang reason ng confinement niya, basta ang alam ko, halos every week, e, naoospital siya. Wala naman kasing details, basta naka-confine lang siya!

Ano nga kaya ang dahilan ng palaging pagpapaospital ni Claudine? Meron kaya siyang sakit na siya lang at ang kanyang mga doktor ang nakakaalam?

Dati ay matinding pagkakaroon ng allergy ang sinasabing dahilan ng hindi niya pagdating sa taping. Gasgas nang dahilan ‘yun mula sa kampo ni Claudine.

Matagal na siyang pinahihirapan ng sinasabi niyang allergy, madalas din siyang maospital, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kaya nahahanapan ng gamot ng kanyang mga doktor ang problemang palaging nagpapahirap sa kanya?

Maysakit kaya talaga siya o gusto lang niyang gawing pahingahan ang ospital?

Read more...