KUNG siya lang daw ang masusunod, mas gusto ng bagong crush ng bayan na si Sebastian Duterte, ang pinakabunsong anak ni presumptive President Rodrigo Duterte sa first wife niyang si Elizabeth Zimmerman, na manatili na lang sa Davao kesa manirahan sa Malacañang.
“Hindi ko kaya yung traffic sa Maynila. Masaya dito sa Davao, mas gusto ko dito,” ani Baste na mas lalo pang sumikat at naging instant heartthrob dahil sa kanyang “vitual kisses” viral video.
Single pa rin si Baste sa edad na 28, pero meron na siyang dalawang “panganay” na anak mula sa dalawang ex-girlfriends.
Sa panayam ng State of the Nation With Jessica Soho sa GMA News TV kamakailan, sinabi ng binatang ama na simple lang ang buhay niya sa Davao, “Pagkagising ko, trabaho lang. Tsini-tsek ko lang yung junk shop, ganu’n lang. Tapos aalis na ng…minsan wala naman talaga akong ginagawa, nagse-surf lang ako. I spend most of my time sa dagat.”
Unti-unti na rin daw niyang napi-feel ang mga changes sa buhay nila ngayong magiging pangulo na ang kanyang tatay Digong. Sey ni Baste, kung merong pinakamatinding pagbabago sa buhay nila ngayon, yan ay walang iba kundi ang, “Palagay ko yung security, kasi nandiyan naman talaga dapat ‘yan e and yung mga nagpa-picture.”