Pagasa: PH papunta na sa tag-ulan

rain
SINABI ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na paparating na ang tag-ulan sa bansa sa harap naman ng mga nararanasang malalakas na pag-ulan sa iba’t ibang lugar.

“We are now in transition to the rainy season,” sabi ni Jun Galang, weather forecaster ng Pagasa.
Idinagdag ni Galang para maideklara na tag-ulan na, kailangang makapagtala ng 25 millimeters ng ulan sa loob ng tatlong susunod na araw at isang millimeter ng ulat sa isang araw.
Aniya, inaasahan din ang pagbaba ng temperatura sa pagpasok ng tag-ulan.

Read more...