PINANGUNAHAN ni Senate President Franklin Drilon ang mga nanalong 12 bagong senador na iprinoklama sa Philippine International Convention Center (PICC).
Base sa pinal na canvassing ng Commission on Elections (Comelec), nakakuha si Drilon ng 18,607,391 boto.
Pumangalawa naman si Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) chairman Joel Villanueva na may 18,459,222 boto.
Pangatlo naman si re-electionist Vicente Sotto III na may 17,200,371 boto.
Pang-apat naman si dating senador Panfilo Lacson na may 16,926,152 boto at panglima si 16,719,322 boto.
Kabilang naman sa nakapasok sa “Magic 12” ay sina:
-Juan Miguel Zubiri: 16,119,165
-Emmanuel “Manny” Pacquiao: 16,050,546
-Ana Theresia Hontiveros: 15,915,213
-Francis Pangilinan: 15,955,949
-Sherwin Gatchalian: 14,953,768
-Ralph Recto: 14,271,868
-Leila De Lima: 14,144,020
Natapos ng Comelec ang canvassing ng boto para sa mga senador at party-list groups, kamakalawa ng gabi.