Dalawa ang BF

Sulat mula kay Roselyn ng Bangkal, Sapian, Capiz
Dear Sir Greenfield,
Simple lang naman ang problema ko kaya lang natatakot ako na baka mamali ako ng pasya. Ganito kasi iyon, sa kasalukuyan ay may dalawa akong boyfriend na pareho kong mahal. Gusto ko lang malaman kung sino sa dalawang boyfriend kong ito ang mas ka-compatible ko at dapat kong piliin kapag ako ay nag-asawa na, upang magkaroon kami ng isang masagana at maligayang pamilya. Ang una kong BF ay tawagin na lang nating Mr. Aquarius na isinilang noong February 13, 1992 at yong ikalawa naman po ay si Mr. Taurus na isinilang noong May 5, 1991, habang September 18, 1992 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Roselyn ng Sapian, Capiz
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat dalawa ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1 at 2.) sa iyong palad, kapansin-pansing higit namang maikli ang una (arrow 1) kung ikukumpara sa ikalawang Marriage Line (arrow 2.). Ibig sabihin malaki ang posibilidad na kung sino ang ikalawang lalaki na dumating sa buhay mo, siya na ang mas malamang na makatuluyan at mapangasawa mo.
Cartomancy:
King of Diamonds, Queen of Clubs at Three of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung sino sa dalawang boyfriend mo ang mayaman o may mas kaya sa buhay, tiyak ang magaganap siya ang piliin mong papakasalan at mamahalin habang buhay.
Itutuloy…

Read more...