Dr. Mike kinarir ang pagtatagalog para kay Pia
KAMAKAILAN lang ay nag-post si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang IG account ng, “Boy, I’m a prize not a catch.” Ang paniwala ng kanyang followers ay nagkakalabuan na sila ni Dr. Mike, ang tinaguriang sexiest doctor alive. Kahapon ay nilinaw ni Pia na okay pa rin sila ng manliligaw niyang doktor, aniya sa kanyang latest post, “Kalma lang po. Okay naman ang lahat. Magandang umaga.” Pagkalipas ng isang oras ay muling nag-post ang beauty queen ng, “Nagkamali lang po ng pagkaintindi at pagkasagot. Pasensya na po. Maraming salamat po@RealDoctorMike. Okay na po ba, doc?” Sabay hirit pa ng, “Hindi naintindihan ni kuya (Dr. Mike). Pa translate naman po sa kanya. Baka replayan ako ng Russian. Di bale may German at Bisaya pa akong baon.” Pero mas nagulat ang lahat ng sumagot si Dr. Mike sa Tagalog, “Ok lang @PiaWurtzbach na nagkamali ang pagkaintindi mo at sagot. Naiintindihan ko. Lahat ng bagay at lahat ay mabuti.” Dagdag pa ng guwapong doktor, “Nag aaral lang ngayon ng Tagalog Mabuhay Philippines!” Sagot naman ni Pia, “@RealDoctorMike good to know you finally can spell our Philippines correctly. Oh and you finally know what our flag looks like! Congratulations the Filipinos love you now.” Hmmmmm, ano sa tingin n’yo, may patutunguhan nga ba ang relasyon nina Pia at Dr. Mike?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.