Babalik pa ba sa asawang pasaway? | Bandera

Babalik pa ba sa asawang pasaway?

Pher Mendoza - May 18, 2016 - 03:00 AM

MANANG,

Ako po si Xhiane, 30 years old at taga-Cotabato City. Kasal po ako sa asawa ko at may anak na kami.

Iyon nga lang kami po ay naghiwalay. Pero until now po ay patuloy naman siyang nagpaparamdam.

Mahal pa rin daw niya ako.

Ngunit ako po ay natatakot dahil minsan na niya akong nasaktan dahil sa babae at higit sa lahat napagbuhatan na rin niya ako ng kamay pati ang anak namin.

Dahil don ay unti-unting nawawala ang love ko sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita dahil taga-Panabo City siya. Pero everyday naman kaming nag-uusap sa pamamagitan ng text, at plano na naming magkitang muli at mag-usap. Ano po ba ang dapat kong gawin?

XHIANE, kung ako sa iyo, kakalimutan ko na siya. Kung nagawa n’yang mambabae (totoo man o hindi) at pagbuhatan ng kamay noon, ano ang katiyakan na hindi na niya iyon uulitin kapag nagkabalikan na kayo? Kung talagang mahal ka ng tao, dapat ay sapat na itong dahilan para igalang ka niya at hindi saktan.

Ngayong mas kilala mo na siya, huwag kang basta magtitiwala at maniniwala. Isipin mong mabuti ang idudulot nito sa iyo at sa anak mo kung sasaktan ka lamang niyang muli.

Napakahirap nang dadanasin mo sa kanya. He had his chance with you. Hindi ba mas mabuting humanap ka na lamang ng taong talagang magpapahalaga sa iyo at hindi ka kailanman kayang saktan?

Hindi pa huli, be wise.

Payo ng tropa

Hello Xhiane, mukhang kokontra ako nang konti kay Manang. Hindi ko kasi mapicture nang husto ang sitwasyon ninyo ng mister mo noong panahon na nagkagulo kayo. At lalong hindi ko mapicture kung ano naman ang sitwasyon ngayong ng mister mo?

Kung remorseful ba siya sa nagawa niya sa iyo? As in talagang sising-sisi siya sa kanyang pananakit na ginawa sa iyo, emosyonal man o pisikal.

Kasi para sa akin, kung totoong pinagsisihan niya ang kanyang mga nagawa at talagang abot-langit ang pagsisising ito at nangakong hindi ka na sasaktan, baka maaari pang maayos ang gusot.

I mean, bakit hindi siya patawarin at bigyan pa ng isang pagkakataon. Ikaw ang magbigay ng kondisyon, ikaw ang magbigay ng parameters na kung hanggang saan mo lang siya mapapatawad.

Ibig sabihin, huling chance na ito para sa kanya. Kung hindi niya ito magagawa, iyon na talaga ang katapusan ninyo.

Isipin mo na gagawin ito para mabigyan mo rin ng chance ang anak mo na lumaki ng may ama, pero take note, ama na may pagmamahal at hindi nananakit.

Kaya timbangin mong mabuti. Kung wala kang nakikitang pagsisisi sa kanya, huwag nang paglaaanan pa ng panahon ang lalaking ito.

Kim, ng Aklan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending