Retirement benefits sa part-time employee

MAGANDANG araw sa Aksyon Line. Sa darating na Oktubre ay mag-60 years na ang aking tatay pero ngayo pa lang ay gusto niya na niyang magretiro sa trabaho dahil palagi na lang siyang nakakaramdam ng panghihina ng katawan. part-time employee lang po siya.

Mayroon po ba siyang makukuhang retirement benefits kahit part-time employee lamang? Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan. Salamat po.

Melanie Garcia
Don Roces Ave. Brgy Paligsahab
Quezon City
REPLY: Para sa iyong katanungan, Ms. Melanie, ang sinumang manggagawa ay maaring iretiro sa sandaling umabot siya sa edad na 60 hanggang 65, at nakapagserbisyo ng hindi kukulangin sa limang taon.

Saklaw nito ang lahat ng mga manggagawa maliban sa mga sumusunod:

A. Mga manggagawa ng pamahalaan;

B. Mga manggagawa na nagtatrabaho sa retail, service at agricultural na establisimyento na hindi lalagpas sa 10 ang mga manggagawa.

Tungkol naman sa benepisyo ng isang part-time na manggagawa, may karapatan din sa retirement benefits ang mga part-time employees.

Katumbas nito ng halaga ng “kalahating buwang sahod” sa bawat taon ng pagseserbisyo.

Ayon sa R.A 7641, pagkatapos nila matugunan ang mga sumusunod na kundisyon para sa optional retirement:

A. Walang kasunduan o retirement plan at;

B. Ang edad ng manggagawa ay umabot na sa 60 taon at nakapagserbisyo nang hindi kukulangin sa limang taon.

Usec Nicon Fameronag
USEC for Employability of Workers Enterprises , Competetiveness
Department of Labor and Employment

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Read more...