Kailan magkaka-girlfriend? (2)

Sulat mula kay Rudolf ng Poblacion, Tungawan, Zamboanga City
Problema:
1. Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit guwapo naman ako. pero hanggang ngayon sa edad kong 29 sa December 7 ay wala pa rin akong nagiging girlfriend. Ni minsan sa buong buhay ko ay hindi man lang ako nakaranas na makipag-date sa isang babae.
2. Marami naman akong niligawan pero ewan ko ba dahil parang hindi yata ako nagugustuhan talaga ng mga babae. Ask ko lang, Sir, kung sa summer na ito ay magkaka-girlfriend na kaya ako? Minsan tuloy parang nawawalan na ako ng pag-asa at iniisip kong baka hindi na ako magka-girlfriend pa at hindi na rin makapag-asawa. December 7, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Rudolf ng Zamboang City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 1.) ay nagsasabing bago ka tumuntong sa edad na 30, isang babaeng isinilang sa zodiac sign na Gemini ang iyong makikilala. Ang nasabing babae ang una at huli mong magiging girlfriend.
Numerology:
Ang birth date mo namang 7 ay nagsasabi na ang babae na isinilang sa zodiac sign na Gemini na iyong magiging first and last girlfriend ay nagtataglay ng birth date na 4. 13. 22 o kaya’y 31.
Graphology:
Ang iyong lagda na medyo pumangit at naburara (Illustration 2. arrow a.) ay isang malinaw na indikasyong kapag hindi mo binago ang nasabing pirma ay malamang na hindi ka na nga makapag-aasawa. Pero kung babaguhin mo ang nasabing pirma —wag mo nang ibalikwas sa direksyong pakaliwa ang dulong bahagi ng iyong signature at sa halip ay tuloy-tuloy lang na patungong sa direksyong pakanan— ay magkakaroon ka ng nobya, makapag-aasawa at magkakaroon ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.
Huling payo at paalala:
Rudolf, ayon sa iyong kapalaran, hindi ka dapat mag-aksaya ng panahon. Mag-practice ka na ng bago mong lagda na inirekomenda na sa itaas. Sa sandaling nagawa mo ‘yan, sa huling buwan ng taon ding ito ng 2016 o kaya’y sa unang linggo ng Enero 2017, sa edad mong 29 pataas, magkaka-girlfriend ka na, hatid ng isang babaeng nagtataglay ng initial na M.V.

Read more...