Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. Alaska Milk vs Rain or Shine
AMININ man ng Rain or Shine o hindi, naglalaro na sa kanilang isipan ang alinlangan at kumakatok na sa kanilang damdamin ang pagkakaba.
At bakit naman hindi? Matapos na magtala ng 3-0 lead sa kanilang best-of-seven series para sa Oppo PBA Commissioner’s Cup championship ay tinalo sila ng Alaska Milk sa huling dalawang laro.
Pero ngayon ay mag pagkakataong muli ang Rain or Shine na tapusin na ang serye sa Game Six umpisa alas-7 ng gabi sa sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
“I still like where we are now,” sabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao matapos na mabigo sa Game Five, 78-86, Linggo ng gabi. “We still have two chance and they can’t afford a loss. We’re still in pretty good shape.”
Naniniwala si Guiao na kaya pa ring maging kampeon ng Elasto-painters bagaman nasa Alaska na ngayon ng momentum ng serye.
Tinambakan din ng Alaska ang Rain or Shine sa Game Four noong Biernes.
Pakay ng Alaska na makuha ang kampeonato at makabawi kahit papano sa masaklap na kabiguan sa Philippine Cup kung saan lamang na sila 3-0 pero natalo pa rin ng San Miguel Beer sa serye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.