Male star adik na adik pa rin sa alak, wa epek ang rehab | Bandera

Male star adik na adik pa rin sa alak, wa epek ang rehab

Cristy Fermin - May 18, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM2 0301

SUKO na sa katigasan ng ulo ng isang kilalang male personality ang kanyang pamilya. Ginawa na nila ang lahat-lahat, ipina-rehab na nila ang aktor, pero matindi talaga ang katigasan ng kanyang ulo.

Wala siyang pinakikinggan. Kahit ang mga nakatatanda niyang kapatid ay dinededma lang niya, wala siyang pakialam sa lahat, basta ang mahalaga lang sa kanya ay ang tumungga nang tumungga ng alak na nagpapaligaya kuno sa kanya.

“Ano naman ang laban nila sa isang taong wala naman talagang planong magpakatino? Mababantayan ba nila si ____ (pangalan ng pasaway na aktor) nang beinte kuwatro oras? “May kani-kanyang buhay rin sila, kaya talagang hindi puwedeng palaging ‘yung pasaway na lalaki na lang ang bantayan nila sa maghapon at magdamag! Nakalulusot pa rin siyang magbisyo!

“Sa kuwarto niya, e, nakapagpapasok pa rin siya ng paborito niyang alak. Itinatago niya lang ‘yun sa ilalim ng kama niya at sa mismong closet ng mga damit niya! “Kapag langung-lango na siya, e, saka lang siya nakakatulog. Kapag maaga ang calltime niya, katok-to-the-max ang mga kasambahay nila dahil hindi siya magising!” kuwento ng aming source.

Sa katagalan ay sumuko na ang kanyang pamilya, gusto nilang mabago ang buhay ng aktor, pero ano nga naman ang kanilang magagawa kung siya mismo ang ayaw magbago? “Wala siyang pakialam sa family niya, nagsusumamo na ang mismong mommy niya na tigilan na niya ang pagbibisyo, pero bingi pa rin siya.

Naku, Bradly Guevarra, pangaralan mo nga ang magaling pa naman sanang aktor na ‘yan!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending