Estudyante arestado sa sex video | Bandera

Estudyante arestado sa sex video

John Roson - May 17, 2016 - 05:59 PM

laguna
Arestado ang isang college student, na nagbantang magkalat ng sex video ng dalawa niyang kaklase kung di siya bibigyan ng pera, nang magsagawa ng entrapment operation ang pulisya sa Sta. Rosa City, Laguna, kahapon.

Nadakip ang suspek na si Adonis Evan de Leon, residente ng Silang, Cavite, sa isang mall sa Brgy. Balibago dakong alas-7:30, sabi ni Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, hepe ng PNP Anti-Cybercrime Group.

Isinagawa ng mga elemento ng Regional Anti-Cybercrime Office 4-A ang operasyon matapos humingi ng saklolo ang dalawang graduating college student.

Sinabi ng mga estudyante sa pulisya na isang lalaki ang tumatawag sa kanila at nagbabantang ikakalat ang kanilang sex video sa Facebook kapag di sila nagbigay ng P30,000.

Sa takot ay nangako ang mga estudyante na magpapadala ng pera sa pamamagitan ng electronic money remittance sa isang mall sa Balibago Complex, at humingi ng saklolo sa pulisya.

Nadakip si De Leon, na napag-alamang kaklase ng mga biktima, nang kunin niya ang pera, ani Eleazar.

Lumabas sa imbestigasyon na palihim na kinunan ng video ni De Leon ang dalawang kaklase nang ang mga ito’y magtalik noong mag-outing ang kanilang klase sa Cavite.

Nakuha kay De Leon ang isang cellphone na naglalaman ng naturang video.

Nakaditine ngayon si De Leon sa pasilidad ng Regional Anti-Cybercrime Office 4-A habang hinahandaan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Law, R.A. 10175 o Cybercrime Prevention Law, at robbery-extortion, ani Eleazar.

Teacher dakip din

Samantala, iniulat ni Eleazar kahapon na isang guro sa Davao City ang nadakip din para naman sa pagbabantang magkalat ng mga hubad na larawan ng naka-relasyong estudyante.

Nadakip si Jaime Oliva Jr., nagtuturo ng HEKASI sa Grade 6 students ng Davao City Special Education School, sa Our Lady of Lourdes parish church na nasa Central Park Subdivision, Bangkal, noong Mayo 4.

Isinagawa ng Regional Anti-Cybercrime Office 11 ang operasyon matapos magsumbong ang ina ng isang estudyante ni Oliva, ani Eleazar.

Napag-alaman ng pulisya na nakikipagtalik ang guro sa isa niyang estudyante kapalit ng pera at kinunan pa ng mga hubad na larawan ang huli nang magtungo sila sa isang motel.

Nang mag-away ang dalawa’y nagbanta si Oliva na ikakalat ang mga larawan sa Facebook, at hiningi pang maka-sex din ang isang kaibigan ng estudyante para di ilabas ang mga larawan, ayon kay Eleazar.

Nadakip si Oliva sa loob ng kanyang Ford Ecosport nang magsagawa ng entrapment ang pulisya sa tulong ng biktima.

Kinumpiska sa guro ang dalawang cellphone, isang digital camera, at ang kanyang sasakyan, ani Eleazar. (John Roson)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

– end –

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending