Darren ayaw na kay Casey…si Kathryn na ang bagong crush

darren espanto at kathryn bernardo

MEDYO nangingilabot lang ako kapag naririnig ko na may bagong crush na babae si Darren Espanto – I don’t know why. Normal lang naman sa mga teenagers ang magka-crush, di ba?

Bakit kapag si Darren ang nariringgan ko ng ganito ay para akong nahihilas. Is there something wrong with me or with Darren? Nakasanayan ko kasi si Darren as one young boy na hindi naman atat sa loveteam or sa mga usaping crush-crush.

Baka naninibago lang ako sa kaniya dahil nakasanayan ko lang siyang magbirit ng songs of high-pitched lady singers – kaya niya. Mas kaya pa nga niyang kumanta ng mga pambabaeng kanta kaysa sa panlalaki dahil sobrang taas ng pitch ng batang ito.

Minsan nga napagkakamalan kong babae ang boses niya dahil sa sobrang taas. Parang si Kuya Jed Madela lang niya ang tunog ng boses niya – baka peg niya talaga si Kuya Jed kaya pareho sila halos ng timbre.

Ang unang napabalitang showbiz crush niya ay itong si Casey Legaspi, ang magandang dalagita nina Zoren Legaspi and Carmina Villaroel. Pero hindi yata umubra si Darren dahil isang malakas na “NO!” ang sinabi ni Zoren on this.

Okay lang naman kay Zoren ang magka-crush si Darren sa anak niya pero para ligawan or ma-link ito sa young singer ay umayaw agad si Zoren. Don’t know why. Maybe because ayaw pa niya talagang paligawan si Casey dahil bata pa ito.

Ngayon ay may bago na naman daw crush si Darren, si Kathryn Bernardo. Ibinulong daw ito ng singer sa mother ni Daniel Padilla na si Karla Estrada. Napangiti na lang daw si Karla sa sinabi ni Darren at mukhang hindi naman daw nairita si Karla and felt safe naman kay Darren dahil mukhang harmless naman ang bata.

I believe so too. Mukhang harmless naman si Darren, hindi naman brusko ang bata para i-pursue ang crush niya. Parang hanggang salita lang naman siya.  Baka nagagandahan lang siya kay Kathryn pero since bata pa naman siya wala pa itong malisya. Tsaka tiyak na hindi naman siya manliligaw sa dalaga, nagagandahan lang siya kay Kathryn.

Parang ako, nagagandahan ako kay Ms. Gloria Diaz pero hindi naman ibig sabihin ay liligawan ko siya. Isang malaking EIWWWW! iyon for me and Ms. Glo. Kasi iba naman ang reason ko – bading ako. Isa akong sirena at pareho lang kami ng itinitibok ni Ms. Glo, para lang kami sa lalaki. Ha-hahaha!

Iba naman siguro ang eksena nitong si Darren at kung sakaling magkapareho man kami ng reason, halimbawa lang ha, aba’y dapat igalang natin iyan. It’s our basic human right – to be gay and very happy. I’m not saying na ganoon si Darren ha, hypothetical lang naman, walang masama. Hmp!

Good luck kay Darren, kung halimbawa ma’y ipu-pursue niya si Kathryn, magkakasubukan sila tiyak ni DJ niyan. Baka kaya naman ni Darren makipagsuntukan maipaglaban lamang ang kaniyang nililiyag. Pero hindi naman siguro siya aabot sa pakipag-away kay Daniel – crush lang naman, di ba? Kayo talaga, oo. Kaybilis niyong mag-jump to conclusion. Iba ang crush sa love.

Read more...