Promise ni Mega sa madlang pipol: Sa August po payat na talaga ako!

sharon cuneta

MALAKI ang nagawa ng nakaraang eleksiyon sa pagpayat ni Megastar Sharon Cuneta. Ilang pounds din daw ang nawala sa timbang niya sa ilang araw na pagsama niya sa kampanya ng kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan.

“Sa awa ng Diyos tapos na yung kampanya. So makakapahinga at makaka-focus na sa trabaho talaga. Kaya rin ako excited. At saka kaya rin ako pumayat dahil sa kampanya, stress at hindi rin matatawaran yung ang dami kong mahal sa buhay na nawala this year,” sey ni Mega sa nakaraang presscon ng The Voice Kids. Si Shawie ang ipinalit sa dating judge ng show na si Sarah Geronimo.

Sa two-year contract na pinirmahan ni Sharon sa ABS-CBN, kasama rito ang paggawa niya ng pelikula bago matapos ang taon. “The big surprise is I’m doing a movie this year. Finally after how many years I’m doing a movie. Unfortunately hindi ko pa talaga masabi pa with whom. Ang masasabi ko na lang sa audience ay kumapit kayo. Ha-hahaha! Parang maraming sasaya. Yun lang yung masasabi ko muna sa ngayon,” chika pa ni Sharon.

Ayaw namang kumpirmahin ni Mega kung ang sinasabi niyang pelikula ay ang muling pagsasama nila ng kanyang dating asawa na si Gabby Concepcion. Basta aniya, “Naku, tingnan na lang natin kung yan ang nakalaan. Ha-hahaha!”

In fairness, talagang kinakarir na ni Sharon ang pagpapapayat dahil nga malapit na silang mag-shooting for the movie, “So far I think 36 or 37 pounds. I allowed myself to eat and then ang nangyari was nagpi-pica-pica na lang ako. So instead of three meals a day, iniiwasan ko yung carbs so walang bread which is my favorite, rice pero hindi naman ako mahilig sa rice. So titikim ng ulam masaya na ako.

“And then for some reason parang nawala yung sweet tooth ko so hindi na ako naghahanap ng sobrang tamis. Ang pinakamatamis na kinakain ko sago’t gulaman or almond jelly, ganyan. Hindi na yung cake. Parang nagsawa.

“And I’m still losing (weight). I still have to lose weight. I’m inspired because I’m working again. Tapos I miss wearing the kind of clothes I really like to wear,” chika pa nito. “Sa August start na ng shooting. So sa August payat na ako nu’n in Jesus name. Ha-hahaha! Tapos, tapos na rin ang kampanya and basta maligayang maligaya ako sa kinaroroonan ko ngayon sa aking career at sa aking personal na buhay,” pahayag pa ng Megastar.

Read more...