Duterte nagbigay na ng mga pangalang nais iupo sa mga ahensiya ng gobyerno, PNP | Bandera

Duterte nagbigay na ng mga pangalang nais iupo sa mga ahensiya ng gobyerno, PNP

- May 16, 2016 - 04:49 PM

duterte-301
NAGBIGAY kahapon si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng mga pangalan na nais niyang italaga sa kanyang Gabinete.
Ang ilan sa mga ito ay nabanggit na ng mga tagapagsalita ni Duterte.
Sa isang press conference sa Davao City, sinabi ni Duterte na umaasa siyang tatanggapin ni dating Agriculture secretary Carlos “Sonny” Dominguez III ang kanyang alok na gawin siyang finance secretary.
“Sonny Dominguez has many misgivings in the past on my offer. I hope he would consider,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na inaalok naman niya kay dating Clark Development Corp. president Art Tugade ang Department of Transportation and Communications (DOTC).
Sinabi pa ni Duterte na inaalok naman niya kay Sen. Alan Peter Cayetano ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DOJ).
“I don’t know what his preference is,” dagdag ni Duterte, kasabay ng pagsasabing irerespeto niya ang desisyon ni Cayetano kung nais manatili bilang senador.
“If ayaw nya, andito si Perfecto Yasay,” dagdag ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na dati niyang ka-roommate si Yasay sa law school.
Samantala, sinabi ni Duterte na ipapaubaya niya sa Communist Part of the Philippines (CPP) kung sino ang iuupo bilang Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Labor and Employment (DOLE).
“They are the most vigilant group in the Philippines about labor. I offer my hand in peace to (Jose Maria) Sison and to the rest and we can talk,” sabi ni Duterte.
Binanggit naman niya sina Chief Insp. Ramon Apolinario, Chief Insp. Ronald dela Rosa at Sr. Supt. Rene Aspera bilang mga posibleng itatalaga sa Philippine National Police (PNP).
Idinagdag ni Duterte na pawang nagsilbi ang tatlo bilang chief of police sa Davao City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending