Hayden Kho, Vicki Belo ipinakilala na sa buong mundo ang kanilang 1st baby

hayden kho

INAMIN na finally nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na meron na nga silang anak ngayon, si Scarlet Snow.

Kung matatandaan, lumabas kamakailan dito sa BANDERA ang tungkol sa baby girl ng magdyowa, mismong ang anak ni Dra. Vicki na si direk Quark Henares ang nagbalita nito. Sa kani-kanilang Instagram account, pormal nang ipinakilala nina Vicki at Hayden sa buong mundo si Scarlet Snow kasabay ng kanilang mga mensahe kung paano nabago ng baby ang kanilang mga buhay.

Una naming nakita ang IG post ni Hayden kahapon kung saan makikita na kalung-kalong niya ang baby.
“I guess God knew fatherhood would change me completely and bring me closer to being the kind of man He always wanted me to be, so He sent me and Vicki an angel who is to be our lifelong inspiration.

Ladies and gentlemen, meet our daughter, Scarlet Snow. @scarletsnowbelo!” ang mensaheng ipinost ni Hayden. Ilang sandali lang ang lumipas ay nag-post na rin si Dra. Vicki ng picture ng kanilang cute daughter. Nilagyan niya ito ng caption na: “This is the sunshine of our lives. Meet our baby @scarletsnow33. It’s amazing how this little girl has affected @dochayden and my life in such a positive way.”

Read more...