Eat Bulaga number 1 pa rin sa tanghalian kahit wala sina Alden at Maine

alden richards

ANO kaya ang masasabi ngayon ng mga tagahanga ng AlDub? Patuloy pa rin kaya nilang masasabi na ang kanilang idolo ang dahilan kung bakit tinututukan tuwing tanghali ang Eat Bulaga?

May mga tagahanga kasi sina Alden Richards at Maine Mendoza na nagmamalabis sa pagsasabing ang loveteam lang ang panghakot ng manonood ng longest-running noontime show.

Talaga lang, ha? Ganu’n? E, ano kaya ang masasabi nila ngayong wala sa Eat Bulaga ang kanilang mga iniidolo pero number one pa rin ang show?

May mga tao talagang nagpaparamdam ng kanilang pag-iilusyon na kapag nawala sa noontime show ang kanilang mga idolo ay sasadsad na ang rating ng programa.

Sana’y mahimasmasan na sila ngayon, isang linggo nang wala ang AlDub sa Eat Bulaga, pero ‘yun pa rin ang pinipiling panoorin sa pananghalian ng ating mga kababayan.

Aysus naman, hindi pa rin kayang pataubin ang Tito, Vic and Joey at ang magaling na pagkokomedya nina Jose Manalo at Wally Bayola at ng iba pa nilang mga co-hosts.

Maghunos-dili sana ang mga tagahanga ng AlDub na nagpupumilit sa pagpapatunay na ang kanilang mga idolo lang ang nagdadala ng noontime show.

Matatag pa rin ang Eat Bulaga, hindi pa rin sila natitinag sa kanilang puwesto, nandyan man o wala ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Kopya?

Read more...