Gina Alajar itotodo na ang kasamaan sa ‘Magkaibang Mundo’

 

HINDI nagdalawang-isip ang batikang director at aktres na si Gina Alajar na bumalik sa pag-arte sa pinakabagong Afternoon Prime series ng GMA na Magkaibang Mundo.

Ayon kay Direk Gina, maganda ang role na in-offer sa kanya para sa drama series at nagustuhan niya ang magiging takbo ng kwento. Gagampanan niya ang karakter ni Noreen, ang tiyahin ni Louise delos Reyes na magpapahirap at pagmamalupitan ang dalaga.

“Nu’ng sinend yung storyline, nagustuhan ko siya. Noreen is the main kontrabida. And sinabi sa akin na iibahin ang istura niya, gusto ng creative team na gawing white hair ako like Meryl Streep, my favorite actress. Na-excite ako and hindi ako nagsisisi na tinanggap ko ang proyekto na nag-aartista ako and I’m loving it,” ani Gina.

Read more...