Mga pulis at sundalo saludo kay Coco; naangasan kina Jake at Arjo

coco arjo jake

MAY nakatsikahan kaming miyembro ng Philippine Military Academy na hindi na namin babanggitin kung anong batch at anong pangalan dahil sa pakiusap niya.

“Ang ganda ng kuwento ng Probinsyano, lahat ng pangunahing problema sa lipunan tina-tackle, dati mga nawawalang bata, ngayon naman droga, saktong-sakto sa nangyayari ngayon.

“Inaabangan talaga namin ang Probinsyano ni Coco kasi true to life ‘yung kuwento ngayon tungkol sa droga, mahirap talagang hulihin ang pinakapuno at mahirap itong mapuksa, sa totoo lang.

“Mahirap magsalita at mahirap magkuwento ng tungkol sa droga, maraming sasabit. Kaya nga karamihan sa mga kasama ko pabor kay Digong Duterte at sana nga mawalis na niya lahat ng drug lords isama na ‘yung mga kasabwat, lalo na yung sa Bilibid. Malaking sindikato ang droga talaga,” kuwento ng opisyal na kausap namin.

Iinamin din niya sa amin na natuwa raw ang lahat ng kapulisan at mga sundalo sa pangako ng bagong halal na Presidente ng Pilipinas na si Mayor Duterte na tataasan nito ang suweldo nila, “Sa sobrang liit ng suweldo nakakagawa talaga ng hindi maganda,” pahayag sa amin.

Samantala, puring-puri rin ng kausap naming militar si Coco dahil parang tunay na pulis daw talaga ito kung umasta, pinag-aralan ng aktor ang papel niya. Hanga rin daw siya kina Jake Cuenca at Arjo Atayde.

“Ang aangas nila, nakakalalake ang mga tinginan, walang ganyan sa amin (sundalo) sapakan na kaagad. Ha-hahahaha!” tumawang sabi sa amin.

Sakto rin daw ang papel nina John Prats at Mark Solis sa serye na pampa-good vibes dahil masyadong intense ang eksena nina Jonas, Joaquin at Cardo.

Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento ng FPJ’s Ang Probinsyano ay muli na namang nakatakas si Eddie Garcia na tinatawag na Lolo ng droga sa ginanap na engkuwentro nina Jonas at Cardo hanggang sa napatay ng huli ang kanang kamay ni lolo Emilio.

 

Read more...