3 dakip, 12 kilo shabu nasabat sa Bulacan

bulacan
Tatlo katao, kabilang ang isang binatilyo, ang nadakip at humigit-kumulang 12 kilo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa Santa Maria, Bulacan, Linggo ng umaga, ayon sa pulisya.

Nadakip sina Leonardo Pedroso, 39, ng Brgy. Guyong, Santa Maria; Christian Ultra, 22, at isang 16-anyos na lalaking kapwa niya taga-Parola, Tondo, Manila.

Nadakip ang tatlo sa buy-bust operation na isinagawa sa Bypass Road, Brgy Sta. Clara, dakong alas-10:30.

Mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency at PNP Anti-Illegal Drugs Group na mula pang Camp Crame ang nagsagawa ng operasyon, ayon sa ulat ng Bulacan provincial police.

Read more...