Brgy. chair patay sa ambush

batangas
Nasawi ang isang barangay chairman ng Laurel, Batangas, nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin kamakalawa ng hapon.

Ikinasawi ni Nejemias Ariola, 62, chairman ng Brgy. Leviste, ang mga tama ng bala sa ulo’t katawan, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-2:35 sa Brgy. Leviste.

Pauwi si Ariola mula sa grocery lulan ng kanyang motorsiklo, nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang lalaking magkaangkas sa isa pang motor, ayon sa ulat.

Natagpuan ng mga pulis sa pinangyarihan ang anim na basyo ng di pa matiyak na uri ng baril.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin, na namataang tumakas patungo sa direksyon ng bayan ng Talisay matapos ang insidente.

Read more...