Alaska Aces itutuloy ang pagbangon

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
5 p.m. Alaska vs Rain or Shine
(Game 5, best-of-seven championship series)

ITUTULOY ng Alaska Aces ang pagbangon kontra Rain or Shine Elasto Painters sa Game Five ng kanilang 2016 Oppo PBA Commissioner’s Cup best-of-seven championship series ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ang bakbakan ng Rain or Shine at Alaska ay gaganapin dakong alas-5 ng hapon.

Nagawang makaiwas ng Aces sa tangkang pagwalis ng Elasto Painters sa kanilang Finals series matapos manaig sa Game Four, 111-99, noong Biyernes ng gabi.

Bumida para sa Alaska si Chris Banchero na kinamada ang 10 sa kanyang 17 puntos sa biglang pagragasa ng Aces sa ikatlong yugto.

Ang Fil-Italian guard ay nagtapos din na may walong assists at tatlong rebounds sa kanilang tambakang panalo.

AcesAasa naman si Alaska head coach Alex Compton na muling magpapakitang-gilas ang kanyang koponan sa pangunguna nina Banchero, Best Player of the Conference Calvin Abueva, Cyrus Baguio, Sonny Thoss, RJ Jazul, Kevin Racal at import Rob Dozier para manatiling buhay sa serye.

Read more...