Dawn: Feeling ko naman handa na ang Pinas kay Digong!

dawn zulueta

SAMAHAN ang cast ng pelikulang “Love Me Tomorrow” na sina Piolo Pascual, Coleen Garcia at Dawn Zulueta sa isang bonggang production number ngayong Linggo sa ASAP ng ABS-CBN.

Panoorin din sa unang pagkakataon ang pinakabagong R&B group ng ASAP na kinabibilangan nina Kyla, Jay-R, Daryl Ong, Jason Dy at KZ Tandingan.

Hindi naman magpapahuli sina Sarah Geronimo, Billy Crawford at Gary Valenciano na may matinding pasabog din sa dance floor.

Magpapasiklaban naman sa kakaibang dance showdown sina Maja Salvador, Enchong Dee, at Kim Chiu kasama sina Janella Salvador, Loisa Andalio, Jerome Ponce, Elmo Magalona, Nhikzy Calma, Bugoy Cariño, Sarah Lahbati, Jamie Herrell, MJ Lastimosa, Step Kids, at ang Higher Level Kids.
Isa ring swabeng sayawan ang handog nina Enchong Dee, Rayver Cruz at Ritz Azul.

q q q

Speaking of Dawn Zulueta, excited na rin siya sa pag-upo ni Duterte sa Malacañang. Sa Davao raw kasi ay very obvious naman ang legacy ni Rody.

“Well ako naging maganda ang experience ko living in Davao. I loved it there. It was so peaceful, yung order is really fantastic, malinis. Makikita mo talaga yung disiplina maski nung mga tao. At saka yung I guess yung pag-manage talaga ni Mayor Rody lahat ng mga tao talaga meron talaga silang respeto para sa kanya so they follow the rules,” sey ni Dawn panayam ng ABS-CBN.

“So when he starts to implement siguro yung mga rules kagaya ng ginawa na rin niya sa Davao, I’d like to think that we’re ready for it. The country is ready for it. And we’re ready for that kind of change because I think it’s a positive change,” aniya pa.

Read more...