Alma: Minamaliit nila ako lagi, wala raw akong pinag-aralan!

alma moreno

WALANG nararamdamang pagsisisi ang kaibigan nating si Ms. Alma Moreno as pagtakbo niyang senador last elections sa kabila ng pagkatalo niya.

Sa panayam namin sa kanya sa aming “Mismo” program kasama si Papa Ahwel Paz, she learned a lot of things and made some realizations sa pagtakbo niya bilang senador. ‘Yun naman daw ang mahalaga sa bawat failure ng isang tao – kung paano mo ito tinanggap at kung may mga natutunan ka from those experiences.

Sa interview naman ni Kuya Boy Abunda sa kanya sa late night talk show nito sa ABS-CBN, sinabi rin ni Alma that she doesn’t regret doing the Headstart interview with Karen Davila.  Dito kasi napuruhan nang husto si Ness, talagang naging viral ang video interview niyang iyon at kaliwa’t kanang pamba-bash ang inabot niya.

“Sasagutin ko Kuya Boy, hindi ko pinagsisisihan kasi yung pag-guest ko dun siguro may natutunan naman ako, e. Kinuha ko sa positive yung sa sarili ko, pero yung mga anak ko na ang nadadamay, si Wynwyn (Marquez) naapektuhan na, si Yeoj (Marquez), pati si Vandolph, so du’n ako naiyak na sobra kasi alam ng mga anak ko na ‘Mama hindi ka naman ganyan pero bakit ka ginaganu’n?’”

Binigyan naman daw siya ng suggested talking points bago siya sumalang sa interview ni Karen, but she told Kuya Boy, “Pinag-aralan ko. Pero yung pinag-aralan ko hindi yun so parang…saka first time ko Kuya Boy na mag-guest sa isang ganu’n, sanay ako sa showbiz.”

Inamin din ni Ness na, “Hindi ko inanong nagalit ako kay Karen, nasaktan ako pero…” pabiting sagot ng friend nating actress-politician sabay tulo ng luha. Nasaktan daw talaga siya sa mga panlalait na ibinato sa kanya ng mga netizens.

Pinasalamatan naman ni Alam ang kanyang pamilya dahil sa suportang ibinigay sa kanya noong mga panahong iyon, “Mga anak ko hindi ako iniwan. ‘Mama andito kami.’ Si Mark (Anthony Fernandez), kahit hindi kami nagkikita, nagte-text sa akin ‘Mama kaya mo yan.’ Kuya Boy, mas tumatag ako, pero ayaw mong ipakita sa mga anak mo na napektuhan ka, kailangan strong ka.”

When she was asked by Kuya Boy kung ano ang ipinagdarasal niya, “Minamaliit ako na wala akong pinag-aralan pero hindi nila nakikita kung anong meron si Alma, tunay na Alma. Hindi naman ako magiging isang konsehal for nine years kung wala naman akong alam, di ba?

“Hindi naman ako siguro ako magiging president ng Philippine Councilors League…siguro may mga bagay na mahina ako na dapat pag-aralan ko. Ingles, inaamin ko hindi ako ganu’n kagaling.  “Kuya Boy, noon pa naman yun e, ang publiko hindi ako nagsinungaling. Pero wag naman nila ako apakan ng sobra. Isipin naman nila yung mga anak. Ako okay e, yung mga anak ko lang,” Alma added.

Nauna nang sinabi sa amin ni Alma na sobrang nasaktan siya sa gumawa ng isang pekeng Twitter account kung saan naka-post ang kontrobersiyal tweet na “I conceive” na patungkol sa pag-concede raw niya sa eleksiyon.

“Masakit sobra pero pinasa-Diyos ko na lang. Sila na ang matalino, sila na ang pinakamatino. Ako na ang bobo, ako na ang masama. Iyon kasi ang gusto nilang palabasin kaya magsaya na sila. “Please, tigilan na ho ninyo ako. Tama na iyon, kumbaga ang taong sobra nang bumagsak, wag nang apakan. Mabuti na lang at mababait ang mga anak ko,” pakiusap ni Ness.

Read more...