TV Patrol humamig ng mataas na rating sa ‘Eleksiyon 2016’

tv patrol

ANG flagship newscast ng ABS-CBN na TV Patrol ang pinaka-tinutukang programa sa telebisyon sa araw ng halalan sa pagkamada nito ng pinakamataas na national TV rating noong May 9 na 31.1% ayon sa datos ng Kantar Media.

Sa araw kung saan halos lahat ng mga network ay may kani-kaniyang special news coverage ng 2016 national elections, mas pinili ng mga manonood na tumutok sa TV Patrol sa primetime para makuha ang mga pinakabagong balita at isyu patungkol sa eleksyon. Walong puntos ang lamang ng TV Patrol sa 24 Oras, na nagtala lamang ng 23.1%.

Ang special na edisyon na ito ng TV Patrol ay parte ng “Halalan 2016 Ipanalo ang Pamilyang Pilipino” marathon election coverage ng ABS-CBN News, ang pinakamalaking news organization sa bansa. Hindi rin pinalampas ng mga manonood ang komprehensibong news coverage ng ABS-CBN sa DZMM, ANC, ABS-CBN News Channel at ABS-CBN.

Sa araw ng eleksyon, ang special coverage ng ABS-CBN sa Halalan 2016 ay nakakuha ng 10.2% laban sa 8% ng Eleksyon 2016 ng GMA. At patuloy na tinalo nito ang mga special coverage sa hapon ng mga kalabang network sa pagsungkit ng 14.0% rating at nanatili sa double digits kahit tapos na ang TV Patrol.

Sa sumunod na araw (May 10), panalo ang Umagang Kay Ganda sa rating na 10% laban sa 7% ng GMA Eleksyon 2016.

Read more...