Aicelle Santos, Mark Zambrano nag-I love you sa isa’t isa

aicelle santos at mark zambrano

NAGSIMULA sa traffic sa kalsada, na napunta sa Twitter at ngayon naman, sa Instagram. Talaga ngang hindi na mapigilan ang Kapuso singer-host na si Aicelle Santos at GMA News and Public Affairs reporter na si Mark Zambrano na ihayag ang feelings nila sa isa’t isa.

Sa kanyang IG post, in-upload ni Aicelle ang isang video na walang sound pero halatang binibigkas niya ang salitang “Hi, mahal. I love you” na agad namang sinagot ni Mark ng “Have fun mahal! Promise to come home to me in one piece okay!”

In fairness, maraming nagkokomento na bagay na bagay daw ang dalawa at wish ng kanilang followers na sana’y mauwi na rin sa kasalan ang kanilang pagmamahalan. Kilalang-kilala na rin ngayon si Aicelle dahil sa araw-araw na paglabas niya sa Eat Bulaga bilang Traffic Diva.

Read more...