Izzy Canillo bilang batang rebelde sa MMK

izzy canillo

TUTUKAN sa Maalaala Mo Kaya tonight ang kwento ng katapangan at katatagan tungkol sa isang batang sa murang edad at kaisipan ay sasabak na sa armadong pakikilaban.

Ultimate dream ni Rasul (Izzy Canillo) na maging sundalo ngunit biglang mababago ang takbo ng buhay ng bata nang biglang mawala ang kanyang ina (Desiree del Valle). Isasama siya ng kanyang ama (Wendell Ramos) at ang kapatid na si Roseller kasama ang ikalawang asawa nito.

Sa isang barangay sa Pikit, Cotabato, makakasama ng magkapatid ang mga anak ng mga armadong rebelde. Sa edad na pito, nagsimulang mag-training si Rasul kasama ang mga rebelde at matututong makibaka at ipaglaban ang idelohiya ng grupo hanggang sa maging isa na siyang ganap na commander.

Isang araw, magbabalik ang kanyang ina at pipilitin siyang bumaba na ng bundok at mamuhay ng normal kasama siya at ang kanyang kapatid. Sumama kaya si Rasul at talikuran ang kinalakihang buhay sa bundok?

Yan ang kailangan n’yong abangan sa isa na namang espesyal na episode ng MMK ngayong gabi kasama sina Pen Medina, Victor Neri, Jenny Miller, Wynrill Banaag at Hyasmin Neri. Ito’y sa direksyon ni Nick Olanka, sa panulat ni Arden Rod Condez. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable channel 167).

Read more...