Louise pinatunayang ok sila ni Alden; Gustong makilala, makausap si Maine

alden richards
MAGKAIBIGAN pa rin ang dating magka-loveteam na sina Alden Richards at Louise delos Reyes, wala raw katotohanan ang chika na nag-iiwasan daw sila mula nang umeksena si Maine Mendoza.

Ayon kay Louise, hindi nawala ang friendship nila ni Alden kahit na madalang na silang magkita at magkausap. Para sa kanya, mananatiling mahalagang bahagi ng kanyang buhay ang Kapuso actor dahil halos sabay silang nangarap noon. Si Alden ang unang ka-love team ni Louise sa TV, nagkasama sila sa GMA series na Alakdana noong 2011 at nasundan ng ilan pang teleserye hanggang sa paghiwalayin na nga sila ng network.

Sa presscon ng bagong serye ni Louise sa Kapuso station last Thursday night, ang Magkaibang Mundo kung saan makakatambal niya ang baguhang Kapuso hunk na si Juancho Trivino, sinabi ng dalaga na nagpapasalamat siya kay Alden dahil hindi rin ito nagpaapekto sa mga bashers.

“Hanggang ngayon naman po magkaibigan kami. Hindi naman naapektuhan. We’re still friends and I’m very happy kung ano yung natatanggap niya ngayon na mga projects, kasi nakita ko kung paano niya pinaghirapan po lahat yun,” ani Louise na napakalaki ng ipinayat kumpara nu’ng huli namin siyang makita.

Hanggang ngayon ay may mga AlDub fans pa ring namba-bash kay Louise dahil feeling ng mga ito nilalandi raw niya si Alden, pero aniya, marunong na raw siyang mangdedma ngayon, nabawasan na ang pagiging “patola queen” niya.

“E, hindi naman natin mapi-please lahat, hindi natin masasabi at madi-defend ang sarili natin sa lahat ng tao, kasi mahirap, e. Ako, I’m just posting whatever I feel posting,” depensa ng Kapuso leading lady.

Gusto rin daw makilala ni Louise si Maine in perso, “Hindi pa kami nagkikita. I’ve never met her. Wala ding chance. Pero oo naman, sana magkakilala rin kami. I think she’s a nice girl and hardworking, kasi nakikita niyo naman kung anong tinatamasa niya ngayon. And I heard a lot of good things about her.”

In fairness, hanga kami sa katapangan ni Louise dahil talagang pinapatulan niya ang kanyang bahsers, “Caviteña, e. It runs in the blood. Kasi minsan, nakakapuno naman talaga. Wala na silang ano, e, wala na sa ayos yung sinasabi nila. “Tapos ang ganda-ganda ng picture, ang ganda-ganda ng sinasabi mo about the picture, ang dami-dami nilang sinasabing masama,” paliwanag pa ng dalaga.

Sa ngayon, mas madalas daw ay dedma na lang siya, “Pero there’s a time na sobrang naiinis ako kasi hitting below the belt. And I cannot just take that, na gaganunin nila ako. Kasi everything that I have now, kahit naman sa lahat ng tao, ay pinaghihirapan ko naman lahat. Huwag lang talaga idadamay ang pamilya ko, dahil talagang hindi ko ‘yun mapapalampas,” dagdag pa ni Louise.

Read more...