Batikang abogado supalpal sa sexy na aktres

MAAGANG na-friend zoned ang isang matinik na abogado sa kanyang pagporma sa isang magandang actress-businesswoman.

Pareho silang supporters ng isang sikat na kandidato nitong nakaraang eleksiyon.

Sinabi ng ating Cricket na matagal nang kursunada ni Sir ang Actress na talaga namang hanggang ngayon ay alaga pa rin ang kanyang pangangatawan.

Pero bukod sa may ka-partner na sa buhay ay maganda ang negosyo ng Actress kaya hindi ang tipo niya ang basta na lamang kakagat sa mga pain ng ating sikat din naman na abogado.

Nagsimulang magparinig si Attorney nang makasama niya sa ilang araw na out-of-town sorties ang sexy pero may edad na rin na Actress.

Doon daw napansin ni Madam na panay ang tingin sa kanya ng Abogado na tila’y may malisya.

Nagkatotoo ang kanyang pakiramdam nang magsimula na siyang maging textmate ni Attorney.

Araw-araw daw siyang nakatatanggap ng sweet messages mula sa nagmumurang kamias na abogado.

Hanggang isang araw ay niyaya raw siya ng dinner ni Attorney na kaagad naman niyang tinanggihan.

Noon din daw ay nagsabi ang abogado na type niya ang sexy pa rin na actress pero kaagad daw siyang sinabihan nito na huwag nang ituloy ang balak.

Hindi pa man nakaka-first base ay butata na ang bida sa ating kwento ayon sa ating Cricket.

Tinanggap ni Attorney ang sagot ni Actress kaya ngayon ay friends na lang daw sila.

Pero hindi dito nagtatapos ang balak ni Attorney dahil sinabi niya sa kanyang sarili na balang araw ay muling iaalok ang kanyang pag-ibig sa maganda and sexy actress.

Ang actress na pinormahan ni Attorney ay naging kontrobersiyal kamakailan makaraan niyang layasan ang programa sa TV na kanyang kinabibilangan.

May edad na pero hanggang ngayon ay sexy at maganda.

Ang abogado naman na na-friend zoned ay si Atty. S….as in Sayang.

Read more...