John Lloyd kay Duterte: Sir, wag n’yong masyadong pahirapan ang sarili n’yo!

JOHN LLOYD CRUZ AT RODY DUTERTE

JOHN LLOYD CRUZ AT RODY DUTERTE

EXCITED din si John Lloyd Cruz sa pag-upo ni Rodrigo Duterte bilang bagong pangulo ng bansa. Aniya, tiyak na isang matinding challenge ang haharapin ni Digong ngayong malapit na siyang maluklok sa Malacañang.

“I’m really excited about this coming administration. I think they have a lot of potential. It’s a great opportunity to deliver change kasi lahat tayo, we all want change,” pahayag ni Lloydie sa isang panayam.

“Totoo yun, I’m very excited to see what’s in store for the Pinoys. Because lahat tayo pagod na, yung iba lalo na, yung mga nakakaramdam ng hirap, ng talagang struggle.

Hirit pa ng Kapamilya actor, “Pero kung hindi rin tutulungan yung tao na uupo, nothing’s gonna happen. Right now, I’m gonna sit back and observe and watch and I’m very excited. Sana talaga maibigay yung nararapat para sa mga tao na nangangailangan.”

Narito ang ang wish niya kay Duterte, “I hope you get to enjoy the ride. Sa bigat ng trabaho niyo, Sir, what lies ahead, sa kinakaharap ng inyong bagong duty or tungkulin, e, okay lang din to enjoy lang din,

Sir. Huwag niyo masyadong pahirapan ang sarili niyo.

“Alam ko mabigat po ang trabaho, pero okay din sometimes to enjoy the ride,” chika pa ng binata.

Read more...