Saan susuwertehin sa negosyo ba o sa abroad?

Sulat mula kay Carl Roger ng Castellano, Calatraba, Negros
Occidental
Dear Sir Greenfield,
May trabaho po ako sa ngayon ang kaso maliit lang ang suweldo, kaya kahit na may girlfriend na ako at gusto na naming magpamilya, ay hindi pa kami makapagpakasal, kasi wala pa akong ibubuhay sa kanya. Nais ko pong mag-resign sa aking trabaho at mangunutang ako sa kapatid ko na nasa abroad at gamiting puhunan sa binabalak kong negosyo. Sabi naman ng kapatid ko imbis na mag-negosyo daw ako tutulungan nya na lang akong makapag-abroad. Saan ba ako higit na susuwertein sa pag-aabroad o sa pagnenegosyo? April 28, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Carl Roger ng Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Higit kang aasenso sa pag-aabroad kaysa sa pagnenegosyo, ito ang nais sabihin ng mahaba at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa dalawang pinamimiliin mong gawin sa buhay mo, negosyo o pag-aabroad, sakto ang tugon, sa pangingibang bansa magtatagumpay ka at aasenso.
Cartomancy:
King of Diamonds, Ten of Diamonds at Five of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng kapatid mong lalaki na nasa abroad na sa kasalukuyan sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Setyembre sa edad mong 28 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy….

Read more...