Anak ni Bongbong nag-sorry sa tweet na ‘Dayaang Matuwid’

sandro marcos 1

HIMINGI agad ng sorry ang anak ni Sen. Bongbong Marcos na si Sandro matapos mag-tweet ng laban sa kampo ng Liberal Party, ang partido nina Mar Roxas at Leni Robredo.

Hindi kasi napigilan ng bagets ang ma-frustrate sa itinatakbo ng bilangan para sa mga vice-presidentiable kung saan dikitan ang laban ng kanyang ama at ni Leni.

Ayon kay Sandro, nalulungkot siya sa balitang nagkakaroon diumano ng dayaan sa vote-counting para sa 2016 elections dahil nga nakakalamang na raw si Leni sa labanan.

Sa kanyang Twitter account, nag-post ang binatilyo ng, “Also, the total votes for president are not the same total for vice president. What the hell #DayaangMatuwid.”

Ngunit ilang sandali lamang ang nakaraan, binura din ni Sandro ang kanyang tweet. Aniya, nadala lang siya ng kanyang emosyon dahil sa mga nababasa sa social media at naririnig niya sa mga balita sa TV.
Sey ng anak ni Bongbong, “Didn’t delete my tweet, wouldn’t be saying this otherwise. Frustration and anger get the best of us. I guess tomorrow na lang makita.”

Isang follower din ni Sandro ang nagtanong kung bakit parang naduwag siya at binura niya ang kanyang post sa Twitter, sagot ng binatilyo, “I didn’t delete the tweet, but I did say that. Apologies and it’s been a stressful time.” – Djan Magbanua, EAS

Read more...