Kris tinanggihan ang alok na lumipat sa ibang TV network

kris aquino

TRULILI kaya na umalis uli ng bansa ang mag-iinang Kris Aquino, Josh at Bimby ay dahil kasalukuyang ginagawa pa ang bagong bahay na lilipatan nila? Dalawang buwan daw ang hiningi ng contractor para matapos ito.

Ang dating bahay na tinitirhan nina Kris ay naibenta na raw at kinailangan na nilang lisanin ito. Kaya sa madaling salita ay walang matitirhan ang mag-iina rito sa Pilipinas, ayaw naman daw nilang makitira sa mga ate o kuya Noynoy niya sa Times Street, West Avenue, Quezon City.

Magastos din daw kung sa hotel sila titira sa loob ng dalawang buwan at hindi pa nila magagawa ang gusto nilang gawin kaya minabuting umalis na lang ng bansa ang mag-iina para makapagpahinga na rin ng matagal-tagal.

Tulad nga ng post ni Kris noong Lunes tungkol sa ginagawang bahay niya, “I promised my Kris TV viewers I’d share w/ you our new home- no more show but I’m keeping the promise, medyo matagal pa… I’ve always said, my sons & I wouldn’t have what we have now had it not been for the 20 years you allowed me to be part of your daily viewing.”

Samantala, sa pagbabalik ni Kris sa Hulyo ay siguradong balik-telebisyon na siya dahil base na rin sa post ng kanyang Kris TV staff, “No goodbyes see you around, see you soon.”

Nabanggit din sa amin ng taga-ABS-CBN na waiting lang ang network sa pagbabalik ng Queen of All Media kung kailan siya handang mag-trabaho ulit.

Sabi pa, “Actually, papirma na siya (Kris) noon sa renewal niya ng contract for two years, kaso biglang nagbago ang desisyon kasi nga paalis sila. Kaya hihintayin na lang ang pagbalik niya.”

Sa madaling salita ay talagang gusto pa rin ng ABS-CBN si Kris at hindi totoong ayaw na sa kanya, “Ay hindi, hihintayin siya kung kailan siya babalik. Two years contract ‘yun,” diin sa amin.

Ang totoo, may ibang TV network daw ang nag-alok kay Kris nang malamang tapos na ang kontrata niya sa Kapamilya network, pero hindi ito tinaggap ng TV host-actress.

Oo nga, parang hindi rin namin ma-imagine na mapanood si Kris sa ibang TV network maliban sa ABS-CBN.

Read more...