Updated 5: Duterte-Marcos patuloy na nangunguna

duterte2
LUMAYO na ang lamang ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagka-pangulo, samantalang nanguna rin si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagka-bise presidente, base sa pinahuling unofficial tally mula sa transparency survey ng Commission on Elections (Comelec) kung saan umabot na sa 26,968,889 boto (48.39 porsiyento).
Nakakuha si Duterte ng 10,058,740 boto (38.99 porsiyento), samantalang nakakuha naman si Marcos ng 9,309,951 boto (37.02 porsiyento).
Pumangalawa si Poe na nakakuha ng 5,713,909 boto (22.15 porsiyento), pumangatlo si dating Interior secretary Mar Roxas, 5,562,958 boto (21.56 porsiyento), pang-apat si Vice President Jejomar Binay, 3,397,430 boto (13.17 porsiyento), at panglima si Sen. Miriam Defenso-Santiago, 1,052,866 boto (4.08 porsiyento).
Samantala, sa pagka-bise presidente, pumangalawa si Camarines Sur Rep. Leni Robredo, 8,407,693 boto (33.44 porsiyento), pangatlo si Sen. Alan Peter Cayetano, 3,526,406 (14.02 porsiyento), pang-apat si Sen. Francis “Chiz” Escudero, 2,970,409 boto (11.81 porsiyento,), panglima si Sen. Antonio Trillanes IV, 498,345 boto, (1.98 porsiyento) at pang-anim si Sen. Gringo Honasan, 433,545 boto (1.72 porsiyento).

Read more...