Updated4; Duterte patuloy na lumalayo ang lamang

duterte2
PATULOY na nangunguna sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa unofficial tally mula transparency server ng Commission on Elections (Comelec) matapos pumasok ang 24.2 milyong boto (43.44 porsiyento).
Nakakuha si Duterte ng 9,9,039,612 boto (39.02 porsiyento), samantalang nakakuha si Marcos ng ng 8,383,979 boto (37.12 porsiyento).
Pumangalawa sa pagkapangulo si Sen. Grace Poe na nakakuha ng 5,141,531 boto (22.19 porsiyento), pumangatlo naman si dating Interior secretary Mar Roxas, 4,971,982 boto (21.46 porsiyento), pang-apat si Vice President Jejomar Binay, 3,054,047 boto (13.18 porsiyento), panglima si Sen. Miriam Defensor Santiago, 949,078 boto (4.10 porsiyento).
Sa pangalawang pangulo, pumangalawa si Camarines Sur Rep. Leni Robredo, 7,533,520 boto, (33.35 porsiyento), pangatlo si Sen. Alan Peter Cayetano, 3,165,691 boto (14.01 porsiyento), pang-apat si Sen. Francis “Chiz” Escudero, 2,671,881 boto (11.83 porsiyento), panglima si Sen. Antonio Trillanes IV, 445,808 boto (1.97 porsiyento) at pang-anim si Sen. Gringo Honasan, 388,273 (1.72 porsiyento).

Read more...