Updated 3: 18.8M boto pumasok na; Duterte-Marcos patuloy na nangunguna

620x397xduterte-marcos.jpg.pagespeed.ic.zxnZtV1VaF
PATULOY na nangunguna sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pinakahuling unofficial tally ng Commission on Elections (Coemelec) transparency server kung saan pumasok na ang 18.8 milyong boto.
Nakakuha si Duterte ng Duterte ng 6,243,526 boto (38.79 porsiyento) samantalang nakakuha naman si Marcos ng 5,839,574 boto (37.20 porsiyento).
Pumangalawa naman sa pagkapangulo si Sen. Grace Poe, 3,601,483 boto (22.38 porsiyento); pangatlo si dating Interior secretary Mar Roxas, 3,454,782 boto (21.46 porsiyento); pang-apat si Vice Presidente Jejomar Binay, 2,120,181 boto (13.17 porsiyento); panglima si Sen. Miriam Defensor-Santiago, 666,997 boto (4.14 porsiyento)
Samantala, sa pagkabise presidente, pumangalawa si Camarines Sur Rep. Leni Robredo, 5,238,385 boto (33.37 porsiyento), pangatlo si Sen. Alan Peter Cayetano, 2,173,168 boto (13.84 porsiyento), pang-apat si Sen. Francis “Chiz” Escudero, 1,866,506 boto(11.89 porsiyento), panglima si Sen. Antonio Trillanes IV, 311,377 boto (1.98 porsiyento) at pang-anim si Sen. Gringo Honasan, 267,915(1.71 porsiyento).

Read more...