Principal inireklamo ni Vice Ganda matapos bumoto

Vice Ganda Vote (1)
NABWISIT pala si Vice Ganda nang bumoto siya kanina pagkatapos na pagkatapos ng It’s Showtime.
Sa kanyang Twitter account, inilabas ng TV host-comedian ang kanyang saloobin sa mga na-experience niya sa loob mismo ng presinto kung saan siya bumoto.
Hindi raw niya kasi nagustuhan ang ginawa ng principal ng iskul kung saan siya bumoto.
Ayon kay Vice, “Nakakalungkot! Diba gusto natin ng pagbabago? E bkit simpleng patakaran na walang magseselfie sa presinto di masunod? Matigas ba ulo o bobo?”
“Ang bongga dito e yung mismong principal nung school ang gustong magselfie daw kami! Buti na lng nakapagpigil ako at nag NO ako ng maayos,” hirit pa ni Vice.
Sey pa ng Showtime host, hindi pa rin niya makalimutan ang ginawa ng nasabing principal na aniya’y isang pagpapakita ng kawalan ng disiplina sa isang mahalagang pangyayari sa bansa.

“Di talaga ko maka move on dun sa Principal!!!! ‘Ma’am I think we have to practice discipline!’ ang inabot nya sakin! Haaayyyy!!! Bad Vibes!” dagdag pa ng komedyante.
Isa si Vice sa mga kilalang celebrities na laging nagbibigay ng payo sa mga botante na maging wais sa pagpili ng kanilang ihahalal na mga kandidato.

Read more...