Updated2: Duterte-Marcos patuloy na nangunguna sa unofficial tally mula sa Comelec transparency server

620x397xduterte-marcos.jpg.pagespeed.ic.zxnZtV1VaF
NANGUNGUNA pa rin sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pinakahuling unofficial tally ng mula sa transparency server ng Commission on Elections (Comelec) matapos makakuha ang alkalde ng 1,876,138 boto (38.46 porsiyento) at ang senador na 1,798,700 boto (37.79 porsiyento) mula sa kabuuang boto na 5,095,789 boto(9.14 porsiyento).
Pumangalawa naman sa pagkapangulo si Sen. Grace Poe na nakakuha na 1,080,183 boto (22.14 porsiyento); pangatlo si dating Interior secretary Mar Roxas, 1,061,032 boto (21.75 porsiyento); pang-apat si Vice President Jejomar Binay, 646,918 boto (13.26 porsiyento); panglima, Sen. Miriam Defensor Santaigo, 211,282 boto (4.33 porsiyento).
Samantala, pumangalawa naman sa pagka-bise presidente si Camarines Sur Rep. Leni Robredo, 1,582,250 boto (33.24), pangatlo si Sen. Alan Peter Cayetano, 655,562 boto ( 13.77 porsiyento), pang-apat si Sen. Francis “Chiz” Escudero, 551,535 boto (11.59 porsiyento), panglima si Sen. Antonio Trillanes IV, 92,501 boto (1.94 porsiyento at pang-anim si Sen. Gregorio Honasan, 79,410 boto (1.67 porsiyento).

Read more...