SUPER plastic. ‘Yun ang tawag ngayon ng marami sa maepal na nanay ng isang young female personality. Sobrang mapapel kuno ang nanay ng young actress, masyadong pakialamera, pati ang mga bashers ng kanyang anak ay pinapatulan din nito.
Matagal nang maraming naiinis sa kanya, pero nagpipigil lang, mabait naman kasi ang kanyang anak at marunong makisama. Kuwento ng isang source, “Naku, kung meron mang stage mother ngayon na kinaiinisan ng marami, e, ‘yun na ang mommy ni _______ (pangalan ng pamosong young female personality)!
“Sobrang epal kasi ng nanay na ‘yun, pati mga bagay-bagay na hindi niya naman alam, e, pinanghihimasukan niya! Tama bang pati ang mga eksena ng anak niya, e, binubusisi niya? “Bakit, scriptwriter ba siya, direktor ba siya, may alam ba siya sa pagbubuo ng movie? Sobrang epal ng mudrang ‘yun ng young actress, kaya ang dami-daming nanenegahan sa kanya!” simulang sultada ng aming impormante.
At nagpapaka-in din ang mommy ng pamosong young actress, nakiki-join na rin ito sa bangayan sa social media, wala raw ba itong ibang pinagkakaabalahan sa buhay? “Nakakaloka ang babaeng ‘yun, pati ang awayan sa social media ng mga bagets, pinanghihimasukan na rin niya! Join kung join ang madir, wala siyang pakundangang magsalita!
“Palibhasa, e, wala naman kasi siyang ginagawang productive, pasama-sama lang siya sa anak niya, magtrabaho rin kasi siya, magnegosyo siya, para meron siyang ibang pinagkakaabalahan! “Gayahin niya ‘yung isa pang stage mother na sa kaepalan, e, parang mas active pa ngayon ang career kesa sa anak niya! Bradly Guevarra, knows line mo na kung sino siya?” pagtatapos ng aming source.