NANGUNGUNA kapwa sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pinakahuli na unofficial tally mula sa transparency server ng Commission on Elections (Comelec) kung saan nakakuha ang alkalde ng 858,512 na boto (37.37 porsiyento), samantalang umabot naman ang boto ng senador sa 865,202 na boto (38.61 porsiyento) matapos mabilang ang kabuuang 1,713,318 boto (3.07 porsiyento).
Pumangalawa naman sa mga tumatakbo sa pagkapangulo si dating Interior Secretary Mar Roxas na may 526,878 boto (22.93 porsiyento); pangatlo si Sen. Grace Poe na may 498,136 boto(21.68 porsiyento); pang-apat si Vice President Jejomar Binay, 314,309 boto (13.68 porsiyento); panglima si Sen. Miriam Defensor-Santiago, 98,352 boto (4.28 porsiyento)at Roy Seneres, 1,322 boto (0.06 %).
Sa pagka-bise presidente, pumangalawa si Camarines Sur Rep. Leni Robredo, 752,599 boto (33.59 porsiyento); pangatlo si Sen. Alan Peter Cayetano, 292,830 boto (13.07 porsiyento); pang-apat, Sen. Francis “Chiz” Escudero, 254,107 (10.94 porsiyento); panglima si Sen. Antonio Trillanes IV, 44,266 boto (1.98 porsiyento); Sen. Gringo Honasan, 40,592 boto (1.81 porsiyento).
Duterte-Marcos nangunguna sa pinakahuling unofficial count
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...