NAKAKUHA ng tagapagtanggol sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo mula sa Commission on Elections matapos maging viral ang kanilang litrato sa social media habang hawak ang kanilang mga balota.
Ayon Comelec Commissioner Rowena Guanzon walang violation na nagawa ang magka-loveteam matapos silang bumoto sa kani-kanilang presinto.
Ayon pa sa opisyal ng Comelec, hindi pa naman daw kasi nasasagutan ni Kathryn ang kanyang balota nang pumayag siyang kunan ng isang reporter sa loob ng voting precinct, habang nasa folder naman daw ang balota ni Daniel.
“Nakita ko, pinakita ng pamangkin ko, wala namang shade. Hindi naman naka-shade ‘yung ballot. At hindi naman siya ang kumuha ng picture sa sarili niya. The voter is not allowed to use her gadget,” ayon sa nasabing Comelec official sa isang video post na napanood namin sa ABS-CBN.
Kung makikita ang nasabing viral photo ng KathNiel, hindi nga ito selfie dahil ibang tao ang kumuha nito.
Nagbigay naman ng reaksiyon si Luis Manzano sa isyu ng pagboto nina Daniel at Kathryn sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
Panimula ng TV host-comedian, “Not defending nor condemning anyone guys, just want to hear both sides. Basing on what i read and hear, there is a gray area on the issue.
“I’m getting both sides since there are loopholes, and it basically depends on how one interprets the law. Actually one of the commissioners said if it wasn’t shaded then it is fine, since the point is to deter vote buying,” tweet ni Luis.
Dagdag pa ng binata, “Kung no selfie e di walang kaso because the shots weren’t selfies. Right? Then media should be liable?
“Hmmmm i see the conflicting statements, i guess whatever is on the COMELEC website is what should be followed. I do agree, then maybe some Commissioners are in conflict with what is written.”
Kathryn, Daniel ipinagtanggol ng Comelec official, wala raw kasalanan
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...