NAGDESISYON ang Commission on Elections (Comelec) en banc na palawigin ang oras ng pagboto para sa mga voting precinct na nagbukas na ng pasado alas-9 ng umaga o higit pa.
Sa isang press conference, sinabi ni Comelec Chair Andres Bautista na imbes na alas-5 ng hapon, alas-6 na ng gabi ang pagtatapos ng botohan para sa mga nagkaroon ng aberya na mga polling precinct.
Iginiit ni Bautista na ipapatupad lamang ang pinahabang oras ng botohan sa case-to-case basis.
Ito’y matapos iulat ng iba’t ibang poll watchdog ang napakaraming aberya sa mga voting-counting machines (VCM), kasama ang hindi pagtanggap sa mga balota.
MOST READ
LATEST STORIES