Duterte bumoto na sa Davao City

duterte2
BUMOTO na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ngayong hapon sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City.
Dumating si Duterte ganap na alas-3:05 ng hapon at naglakad ng ilang metro mula sa gate ng paaralan papunta sa kanyang polling precinct.
Si Duterte ang pinakahuli sa anim na kumakandidato sa pagkapangulo na bumoto matapos namang maagang pumila ang kanyang mga katunggali para makaboto.
“He is okay and he is relaxed,” sabi ni Bong Go, executive assistant ni Duterte.
Bago bumoto, nagpahinga muna si Duterte matapos ang 90-araw na kampanya na nagtapos sa Luneta sa Maynila noong Sabado.
Si Duterte ang nangunguna sa mga survey para sa mga kandidatong tumatakbo sa pagkapangulo.

Read more...