ILANG oras bago pa magsimula ang botohan, pito katao ang inambush at napatay habang isa pa ang sugatan, sa Rosario, Cavite.
Tatlo sa mga nasawi ay nakilalang sina Arniel Sharief, Farhan Datu Imam, at Ramon Tuazon, ayon kay Calabarzon regional police spokesperson Supt. Chitadel Gaoiran.
Hindi pa nakikilala ang tatlong iba pa, habang ang sugatan ay nakilala namang si Fatar Mampon.
Sakay si Mampon at iba pa ng Mitsubishi Adventure (URQ-913) at dalawang motorsiklo (8055-WK and 8265-DO) sa D.P. Jimenez st., Brgy. Wawa 3, nang biglang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Dead on the spot ang pito at naisugod pa sa ospital si Mampon.
Sa inisyal impormasyon, ang mga biktimang sina Sharief, Datu Imam, at Tuazon ay mula sa Mindanao at naninirahan sa isang Muslim community sa Rosario.
Hindi pa mabatid kung election-related ang insidente.
Isa ang Rosario sa mga bayan na nasa listahan ng election watchlist areas (EWAs) o “hotspots.”
READ NEXT
Kailan makakaahon sa kahirapan?
MOST READ
LATEST STORIES