Sulat mula kay Cheng ng Gelerang Kawayan, San Pascual, Batangas
Dear Sir Greenfield,
May trabaho naman ang mister ko, isa siyang driver, kaya lang lagi pa rin kaming kinakapos. Lima na kasi ang mga anak namin at lahat ay nagsisipag-aral. Kaya sa ngayon upang makaraos napipilitan akong mangutang ng mangutang kung kani-kaninong tao, kaya sa ngaon nabaon na kami sa mga pagkakautang. Naaawa na nga po ako sa mga anak ko, kasi kung minsan ay sumasala kami sa pananghalian. At ang isa pang inaalala ko, magpapasukan wala man lang kaming ipon pera para ipang-enroll ng mga bata. Sana sa pama-magitan ng inyong kaalaman malaman ko ang paraan kung paano kami makakaahon sa kahirapan at umunlad man lamang kahit na bahagya ang aming buhay. March 8, 1980 ang birthday ko.
Umaasa,
Cheng ng Batangas
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wala sa Batangas o sa sinilangan mo ang inyong suwerte kundi nasa malayong lugar, ito ang nais sabihin ng Guhit ng Paglalakbay o Travel Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin kung lalakasan mo lang ang loob mo na mag-abroad, walang duda, sa pangingibang bansa, mas mabilis na aasenso at uunlad ang inyong pamilya.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Seven of Clubs at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung ngayon palang ay mag-aaplay ka na sa abroad, tiyak ang magaganap sa darating na taong 2017 sa edad mong at sa darating na taong 2015, tiyak ang magaganap, sa nasabing taon sa edad mong 37 paraas may isang mabu-nga at mabiyayang pangi-ngibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy…
Kailan makakaahon sa kahirapan?
READ NEXT
Pipili na tayo ng magnanakaw sa atin
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...